Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ni Atty. Herminio ‘Harry’ Roque inihain laban sa House of Representatives Quad Committee.

Layon sa naturang petisyon ng abogado na pigilan ang komite na siya’y arestuhin at obligahin dumalo sa mga pagdinig at pagsumitehin ng dokumento sa imbestigasyon may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sa desisyon isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan, itinuring ng Supreme Court En Banc ang ‘Petition for Certiorari and Prohibition’ bilang ‘moot’ matapos i-lift ng QuadComm ang ‘contempt order’ nito sa natapos ng 19th Congress noon Hunyo, 2025.

--Ads--

Kung maalala inimbitahan ng QuadComm si Atty. Roque na dumalo sa unang pagdinig bilang ‘resource person’ ngunit hindi sumipot dahil sa pinaniwalaang nailipat ang skedyul o petsa nito.

Gayunpaman dumalo ito sa pangalawang pagdinig at dito nakwestyon ang kanyang pagkakasangkot sa operasyon ng POGO kung kaya’t inatasan dumalo sa susunod na ‘hearing’ dala ilang dokumento.

Hindi ito sinunod ni Atty. Roque at naghain ng ‘motion to quash subpoena’ subalit ‘denied’ lamang ng komite; insyuhan siya ng ‘show cause order’ para depensahan sarili upang hindi ma-contempt.

Sa sumunod na pagdinig, muling hindi nagpakita ang abogado kung kaya’t naglabas ng ‘subpoena’ ang komite laban sa kanya.

Ang dating opisyal, idinulog sa Korte Suprema ang hinaing kalakip hiling na ‘writ of amparo’ sa pagtutol nito sa contempt at detention orders ng kamara.

Ang partikular na hiling para sa ‘amparo’ ay ibinasura ng Korte Suprema sapagkat hindi anila ito akmang remedyo laban sa naturang kautusan ng kongreso.

Makalipas ang panahon, sa panibagong resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman, ibinasura na nito ang petisyon ng abogadong si Harry Roque.