Dagupan City – Tiniyak ni Pangasinan Governor Ramon “Mon-mon” Guico III ang pagiging handa ng lalawigan sa mga posibleng epekto ng mga inaasahang tatamang bagyo.
Ayon kay Gov. Guico, sa usaping kalamidad gaya ng bagyo ay hindi kontrolado kung kaya’t patuloy ang pag-igting na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kabilang na nga rito ang mga ibat-ibang preparasyon na nauugnay sa tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Sa ilalim ng pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units sa halos 44 na munisipalidad at 4 na lungsod na sakop nito gaya ng preparedness plan, mga tao, mga evacuation sites, pagsasaayos ng mga food packs at equipments na magagamit sa mga operations tulad ng amphibious backhoe at iba pa para hindi na maging problema kung kakailanganin.
Samantala, nakatakda na ring magsimula ang gagawing dredging sa ilang mga ilog sa lalawigan upang mabawasan kahit papano ang lebel ng tubig at maiwasan ang malalang pag-apaw nito na siyang makabawas sa pagbaha.