Binigyang diin ng PhilHealth Region 1 na ‘almost liquidated’ na ng kanilang central office ang kontrobersiyal na Interim Reimbursenment Mechanism (IRM) na P15-B.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joseph Manuel, Acting Public Affairs Unit Head ng PhilHealth Region 1, 99.15% ng naturang P15-B, o katumbas ng P14.843-B ang liquidated na rito, taliwas aniya sa iniisip ng publiko na ibinulsa ito ng matataas na opisyal sa loob ng kanilang ahensiya.

Hindi umano nawawala ang nasambit na halaga sapagkat napunta ito sa 711 na mga ospital sa bansa bilang ayuda ngayong kasagsagan ng pandemya.

--Ads--

Ito rin umano ay nagsilbi sa pananatiling bukas ng nabanggit na bilang ng mga ospital para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal.

Pinakinabangan umano ito ng mga pasyente at hindi ibinulsa ng sinuman.

Tinig ni Joseph Manuel

Samantala, paglilinaw naman ng PhilHealth Region 1 na wala silang natatanggap na reklamo mula sa kanilang partner hospitals hinggil sa kanilang claims.

Ito ay dahil tinutupad na bayaran ng naturang tanggapan ang kanilang mga obligasyon.

Sa katunayan ani Manuel, ayon sa batas ay mayroong 60-day maximum na pagbabayad ng claims ngunit sa PhilHealth Region 1 ay 37 days lamang ang kanilang turn around time sa pagbabayad nito.

Ito ay basta maituturing na good claim at hindi umano ma-Return To Hospital (RTH) dahil sa posibleng kakulangan ng mga mahahalagang dokumento.

Siniguro naman nito na sa loob ng kanilang turn around time ay kanilang ginagawa ang lahat upang higit na matupad na kanilang mababayaran ang naturang claims sa itinakdang petsa.

Tinig ni Joseph Manue

Kaugnay nito, may tugon naman ang Philhealth hinggil sa ipinupukol na issue ng Philippine Hospital Association (PHA) laban sa kanila na nasa “severe financial distress” umano ang bansa dahil sa bigong pag reimburse ng naturang state health insurer ng nasa milyong halaga ng COVID-19 treatments simula pa noong Marso ng nakaraang taon.

Mayroon umanong sapat na pondo ang kanilang tanggapan para bayaran ang kanilang mga obligasyon.

Sa katunayan ay mayroon na silang nabayarang claims na kabuuang P25.38-B at P4.88-B rito ay COVID-19 related claims.

Katuwang ang Commission on Audit (COA) ay mayroona ring ibinigay na solusyon ang pamahalaan patungkol sa paraan ng pagbabayad ng claims.

Tinig ni Joseph Manue

Ito ay sa pamamagitan ng debit-credit payment method na sa mga mayroong claims umpisa March 5, 2020 hanggang April 7, 2021 na mayroon aniyang receivables o payables mula sa kanilang tanggapan ay kanilang i-a-advance na ang 60% ng kanilang good claims sa loob ng napagkasunduang period.