BOMBO DAGUPAN – Mahalaga ang pagkakaroon ng kontrata hinggil sa pagsasanla ng kagamitan o anumang ari-arian.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo Resource Person Duralex Sedlex na may dalawang kontrata patungkol sa pagsasanla.
Una ay ang principal contract kung saan ito ay ang mismong kontrata ng utang habang ang pangalawang kasulatan ay ang kontrata ng sanlaan.
Aniya na kapag ang dalawang tao ay nagsanla ng isang ari-arian kagaya na lamang ng bahay ay mainam na ang kasulatan ay pirmado nilang dalawa nanangahulugan na mayroong co-ownership.
Dahil sakaling ang isang tao lamang ang may pirma kahit pareho nila itong pagmamay-ari kung walang dokumento ito ay balewala.
Bagamat ang matibay na patunay ay mahalaga lalo na ang mga papeles kapag real estate property ang isinasanla.
Kaya’t binigyang diin ni Atty. Tamayo na ang mga taong kailangang pumirma sa kasulatan ay dapat lamang na pumirma.
Sakali mang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa naging kasunduan aniya ay maaaring idulog sa barangay upang makapag-usap at magka-aregluhan subalit kung walang mangyayari ay idulog na lamang sa hukuman at sila ang mamamagitan at huhusga sa kung ano ang karapatan ng bawat isa patungkol sa isang ari-arian.