Nakakuha ng malawak na suporta mula sa mga magulang, matatanda, mga barangay opisyal, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang programa ng lungsod laban sa Pisonet.
Prayoridad dito ang proteksyom at kaligtasan ng kabataan.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na kaisa ng lahat ng magulang pati na rin ang mga lolo at lola sa siyudad sa pagsulong ng “Kontrang Pisonet.”
Ang programa ay inusulong sa suporta ng Sangguniang Panlungsod, na pinamumunuan ni Vice Mayor Dean Bryan Kua at ng Majority Councilors.
Bago pa ilunsad ang programa, nagpulong na ang lokal na pamahalaan kasama ang Dagupan Federation of Parents-Teachers Association (DFPTA) at mga barangay captain, na lahat naman ay sumang-ayon sa inisyatiba.
Idinagdag na ang hakbang ay ginagawa dahil maraming kabataan ang apektado sa pagkakaroon ng pisonet.
Binibigyang-diin na seryoso ang trabaho para sa programa at malinaw ang mensahe nito – hangad ng lokal na pamahalaan ang magandang kinabukasan ng bawat bata at pamilyang Dagupeño.










