DAGUPAN CITY — Inaasahang lalo pang magpapalakas ng turismo at magpapatatag ng ekonomiya sa lalawigan ng Pangasinan ang konstruksyon ng tulay na magkokonekta sa Santiago Island sa mainland ng bayan ng Bolinao.

Sa inilabas na pahayag ni Department of Public Works and Highways Ilocos Region director Engineer Ronnel Tan, sinabi nito na sisimulan nila ang preliminary works para sa tulay ngayong taon at inaasahang matatapos ito sa 2028.

Aniya na ang kabuuang project cost ay mangangailangan ng P1.95-billion para sa konstruksyon ng nasa 600-linear meter brigde at gayon na rin ang magiging koneksyon at access nito sa mga pangunahing kakalsadahan.

--Ads--

Mula sa Barangay Luciente 2nd hanggang sa mainland, ang tulay ay ikokonekta sa Barangay Salud sa Santiago Island.