DAGUPAN CITY- Umabot na sa 80 porsyento ang natatapos sa nagpapatuloy na konstruksyon ng kalsada sa may parte ng Perez Boulevard dito sa lungsod ng Dagupan.
Magugunita na sinimulan ito noong nakaraang taon na may budget na nasa mahigit 5 milyon pesos upang mapataas ang kalsada malapit sa YMCA sa barangay Tapuac hanggang sa Magsaysay bridge upang maibsan ang problema sa baha sa nasabing lugar.
Nananatili paring one way ang kalsada na ang pinapayagan lamang na dumaan ay mga sasakyang papuntang east bound.
Ayon kay Rexon De Vera ang Officer in Charge ng Dagupan City Public Order and Safety Office na baka bumalik na sa dalawang linya ang kalsada kapag natapos na ang curing period ng mga kalsadang nasemento.
Samantala, natapos na aniyang ginawa ang kalsada sa parte ng Herrero St. kaya ang ilang mga sasakyan lalo na ang nga light vehicles ay dumadaan na dito ngunit ang labasan nila ay ang daan papuntang PAMMA.
Posible na aniyang bumalik ang dating mga ruta ng mga sasakyan sa lalong madaling panahon at magagamit na din ang daanang ito bilang alternatibo kung magkaroon man ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa may parte ng Rizal St.