Dagupan City – Pormal nang sisimulan ang konstruksyon ng 442-metrong Carlos Romulo Bridge o “Wawa Bridge” sa Brgy. Wawa sa bayan ng Bayambang matapos na isagawa ang ground breaking ceremony nito

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P300 million.

Matatandaan na gumuho noong October 2022 ang Wawa Bridge dahil sa overloading at kaugnay nga nito ay agad naman na nagreaponde ng LGU, kung saan nag-provide sila ng motorboats, libreng-sakay at assistance sa mga residente ng bayan na naapektuhan ng insidente. At noong buwang ng November of the same year, nagpatayo din ng temporary bridge upang masiguro na may madadaanan ang ating mga kababayan at maging ang mga nasa katabing bayan ng Bayambang

--Ads--

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ng iba pang mga ahensiya at opisina ng gobyerno, pagdating sa pagpaplano, timeline at iba pang mga pangangailangan sa konstruksyon.

Ang seremonya ay pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 1, Brgy Official ng brgy, ang mga kawani ng Local na Pamahalaan ng bayan para magbigay ng kanilang suporta sa kaganapan at Bagamat wala ang physical na presensya ni Hon. Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao, Municipal Mayor ay nagbahagi rin ito ng mensahe para sa lahat.

‘The long wait is finally over’ ito ang inihayag ni Atty. Rodelyn Rajino Sagarino-Vidad, Municipal Administrator ng bayan na sa wakas ay magsisimula na ang konstruksyon nito para sa mga residente at mga dumadaan na motorista, Aniya na kasabay sa kanilang town fiesta at pagpapasalamat sa mga biyaya na kanilang ipinagpapasalamat ay kabilang na rito ang tulay. Dahil lamang ito isa konstruksyon ngunit tulay din na nagko-connect sa maraming aspeto sa bayan.

Dagdag pa rito ay nagpasalamat din ang kapitan ng brgy. wawa, na isang malaking karangalan para sa kanila at gayundin sa mga karatig bayan ang pagsisimula ng tulay.