DAGUPAN CITY- Ipinagdiriwang kahapon ang International Day of Happiness na may layuning ipadama sa lahat ng tao sa buong mundo ang kahalagahan ng pagiging masaya sa kanilang buhay.

Ayon kay Mika Domingo Cruz, RPm, isang mental health and guidance advocate, malalim ang konsepto ng kaligayahan at wala itong isang tiyak na kahulugan.

Aniya na maaaring maramdaman ng isang tao ang kaligayahan kapag may mga magagandang nangyari sa kanya o nakamit niyang mga bagay, o kaya naman ay nakaranas siya ng pagiging kontento. Ngunit, ang happiness ay depende pa rin sa kung paano ito mararanasan ng bawat tao.

--Ads--

Sa madaling salita, maaaring ituring na masaya ang isang tao kapag siya ay nakangiti at natutuwa.

Dagdag pa niya na marami rin ang mga estudyante na nagpapakita ng kanilang kasiyahan o kalungkutan. May ilan na nagpapakita ng kasiyahan ngunit sa katotohanan, itinatago lang nila ang kanilang nararamdaman.

Binanggit ni Cruz na ang kaligayahan ay maaaring ituring na pansamantala o permanente, kaya’t mahalaga rin na mag-ingat sa pakikitungo sa mga tao, lalo na sa pagtukoy sa kanilang emosyon.

Upang matulungan namana ang mga indibidwal na mapahalagahan ang kanilang nararamdaman, nagbahagi si Cruz ng mga tips na makakatulong sa pagpapalaganap ng kasiyahan sa buhay.

Binanggit din niya na kung kinakailangan ng karagdagang tulong, maaaring dumaan sa mga mental health hotlines upang malinawan sa mga emosyon at mas mapabuti ang kalagayan ng isip.