Dagupan City – Nagpaabot ng paalala si Dagupan City Councilor Chito Samson sa kanyang mga kapwa halal na opisyal ng lungsod ukol sa kahalagahan ng pantay na pagtrato at respeto sa bawat isa, anuman ang kinatawan nilang partido o kulay sa politika.
Aniya, mahalagang tandaan ng bawat miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sila ay inihalal ng taumbayan upang magsilbi at irepresenta ang interes ng mga mamamayan ng Dagupan.
Iginiit niya na walang mas mataas o mas mababang opisyal sa kanilang hanay, sapagkat lahat sila ay pantay-pantay bilang mga halal ng bayan.
Dito na niya binigyang diin na ang mandato nila ay para sa pagkakaisa, hindi pagkakahiwa-hiwalay.
Dagdag pa niya, nararapat lamang na ibigay ng bawat opisyal ang buong dedikasyon at serbisyo para sa kapakanan ng mga residente ng lungsod.