DAGUPAN CITY- Dapat umanong hayaan ang kongreso na gawin ang kanilang karapatang suriin ang isang panukala upang ipakita ang paggalang sa kanilang posisyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, tila nababalewala ang trabaho ng kongreso dahil sa nangyayaring girian sa Senado tungkol sa Sex Education.
Aniya, dapat pag-aralang mabuti ang pagpapatupad o ang pagpirma ng batas na ito dahil malaki ang epekto nito sa mga kabataang esudayante.
Bakit pa umano padadaainin sa Pangulo kung magbibigay lamang ng veto ang ilang mga Senador.
Lumalabas umano sa mga nangyayari ang pagkawala ng kapangyarihan ng ilang mga mambabatas o appropriate people para sa bagay na ito.
Dagdag niya, kung talagang kinikilala talaga ang separation powers ay hayaan na lamang ang kongreso ang pagdedeliberate ng nasabing isyu.
Dapat rin umanong tingnan ang pangulo ang nilalaman nito at suriing mabuti ang bawat pahina ng mga proposals.