Maaaring makakuha ng karapatan ang isang tao sa isang lupa kahit wala itong titulo hangga’t matagal na itong naninirahan dito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charisse C. Victorio – Lawyer may dalawang legal na paraan upang magkaroon ng karapatan sa isang lupa.
Aniya na ang dalawang ito ay ordinary acquisitive prescription at ang extraordinary acquisitive prescription.
Ang ordinary acquisitive prescription ay isang paraan upang makakuha ng karapatan sa isang lupa sa pamamagitan ng dapat in good faith ang pag-okupa mo dito at nasa 10 taon ang pamamalagi.
Habang ang extraordinary acquisitive prescription naman ay kung walang good faith at walang title dapat ay aabot ng 30 taon ang pag-okupa o pamamalagi sa nasabing lupa.
Kailangan ay open, continuous, exclusive at notorious ang posession dito.
Kaya’t kung may ganitong problema ay pwedeng mapatituluhan ang lupa basta pasok sa mga inilatag na kondisyones batay sa batas.
Pagbabahagi nito sa lahat na huwag mag-alinlangan na humingi ng legal na payo sa abogado upang malinawan hinggil sa nasabing usapin.