Dagupan City – Tinawag ng isang Political Analyst na isang delaying tatctics lamang ang kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa pagsuko nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, maaring maihalintulad ang sitwasyon ngayon ni Quiboloy sa ginawang delaying tatcis ni dating third district representative Arnolfo Teves Jr.

Kung saan ay tuluyan nakatakas sa batas at nakapunta sa isang bansa na nasa ilalim ng extradition treaty.

--Ads--

Hinggil naman sa panawagan ng KOJC Compound sa kanilang constitutional rights, maaari pa rin ito sa ilalim ng balancing of interest approach kung saan ay magsasama ang constitutional rights at ang constitutional states.

Nangangahulugan na may karapatan ang hanay ng kapulisan na halughugin ang KOJC Compound sa ilalim ng kautusan ng korte sa inissue nitong warrant of arrest, ngunit may karapatan pa rin ang KOJC members na gamitin ang compound.

Sa huli, kapag lumabas naman na wala sa loob at hindi nahuli ang akusado, nakatakdang magpaliwanag ang hanay ng kapulisan kung bakit wala ito sa itinuring kinaroroonan.

Matatandaan naman na kabilang sa hinihinging kondisyon ni Quiboloy ay ang pagtitiyak ng MalacaƱang na hindi siya ipapadala sa Estados Unidos, kung saan nahaharap din ito sa katulad na kasong kriminal dahil sa pakikipagsabwatan sa sex trafficking sa pammamagitan ng pwuwersa, panloloko, at pamimilit, gayundin sa sex trafficking ng mga bata.