Sinaksak gamit ang screwdriver ang isang magsasaka sa bayan ng Alcala na nagsanhi ng kanyang pagkakaospital.

Nangyari ito sa Brgy. Poblacion kung saan nagsimula ang insidente bilang isang simpleng komprontasyon na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nag-iinuman ang biktima at mga kaibigan nito nang dumaan ang suspek na sakay ng motorsiklo.

--Ads--

Pinara umano ng biktima ang suspek at pinagsabihan dahil umano sa pananalita nito ng hindi maganda at pagmumura, dagdag pa ang pag-dirty finger sa kanila.

Dahil dito, sinuntok umano ng biktima ang suspek kung saan bilang ganti, naglabas umano ng screwdriver ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang biktima.

Mabilis na naisugod sa ospital ang biktima, habang naaresto naman ang suspek matapos ang insidente, kasama ang screwdriver na ginamit sa pananaksak.

Kasalukuyang nakakulong sa Alcala PNP ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated murder.