Kinuwestyon ng Komite sa pangunguna ni Councilor Red Erfe Mejia ang isinasagawang renovation sa ground floor ng conference room ng Sangguniang panglungsod.
Aniya wala namang siyang makitang rason sa pagkakaroon ng pagbabago nito dahil wala namang umanong problema sa naturang area at natutugunan naman ang kanilang pangangailangan sa tuwing nagsasagawa sila ng pagpupulong.
Hindi aniya nila pahihintulutan ito dahil minamadali na nila ang budget hearing gawa ng apat na linggo ng naantala ang paglalabas ng pondo para sa syudad ng Dagupan.
Tinukoy pa ni Councilor Mejia na magiging sagabal para sa kanilang pandinig sa naturang usapin ang isinasagawang renovation.
Giit pa niya na dahil sa hindi pagdalo ng mga Department Head ng lungsod, naantala rin ang paglalabas ng budget.
TINIG NI RED ERFE MEJIA