DAGUPAN CITY- Ginagamit lamang umano ni KOJC Pastor Apollo Quibiloy ang eleksiyon upang pagtakpan ang mga patong-tapong na kasalanan sa batas laban sa kaniya.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julius Cainglet, Vice President ng Federation of Free Workers, nagfile ang grupo ng petisyon sa Commission on Elections upang i-disqualify ang pastor, dahil malaking kasinungalingan umano ang pagclaim ng pastor na siya ay kasama sa Workers and Peasants Party.

Aniya, ni minsan ay hindi kumatawan si Quiboloy sa kahit anong aktibidad na may kinalaman sa mga manggagawa o nanawagan man lang sa kahit anong petisyon para sa ikauunlad ng mga manggagawang Pilipino.

--Ads--

Dagdag niya, ginagawa lamang niyang mockery o katatawanan ang political system ng bansa.

Samanatala, nakikita ng grupo ang nangyayaring sitwasyon ngayon bilang isang paglilitis sa COMELEC, at nakikitaan din ng grupo na may diskriminasyong nangyayari.

Nagpapakita rin umano ang mga pangyayari bilang kawalan ng katarungan.

Sa ngayon aniya ay dapat gamitin ng mga grupo ang pagkakataong ito upang magpalakas ng hanay at magrecruit pa ng mas maraming members upang mapalakas pa ang boses ng mga manggagawa at hindi magamit ang kanilang pangalan bilang pang-akit sa mga botante.

Pinapaalalahanan din ng grupo ang lahat ng botante na suriing mabuti ang mga tatakbong kandidato para sa halalan.