Unti-unti nang ibinababalik ang klase sa elementary level sa bansang South Korea sa kabila ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mylene Lee , guro sa Gwangju South Korea, sinabi nito na bagaman muling ibinalik ang ilang klase doon, ay mahigpit naman umano ang pagpapatupad sa mga protocols upang masiguro na ligtas ang mga estudyante na papasok sa ekwelahan.
Aniya, noong nakaraang linggo ay nasimulan na ang pagbabalik ng mga estudyante una muna ang sa first grade at second grade
--Ads--
Dagdag pa nito na hindi umano pinagsabay-sabay ang pagkakaraoon ng klase sa naturang lebel upang sa gayon ay maiwasan ang pagkakahawa ng coronavirus disease sa naturang bansa.