DAGUPAN CITY- Nagsibalikan na ang mga klase sa lungsod ng Urdaneta matapos nakaraang mga suspensyon dulot ng manalasa ang Super Typhoon Uwan sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aguedo Fernandez, School Division Superintendent ng SDO Urdaneta City, hindi naman gaano naapektuhan ang mga paaralan sa syudad.

Aniya, umabot sa dalawa hanggang tatlong araw ang suspensyon ng mga klase upang mabigyan daan ang paglilinis sa mga paaralan at pagputol ng mga sanga ng puno.

--Ads--

Gayunpaman, hindi nahinto ang mga pag-aaral ng mga estudyante dahil sa pagkakaroon ng Alternative Delivery Mode o paggamit ng mga modules habang may suspension of classes.

Hindi rin nakikitang maghahabol ng klase dahil sa nakaraang catch up classes na kanilang isinagawa.

Habang ang Aral Program naman ay nabibigyan ng oras pag i-tutor ang mga mag-aaral.

Kanila naman tinututukan ngayon ang iba’t ibang istratehiya para sa pagpapabuti ng mga bawat paaraalan.