‎Dagupan City – Suspendido na ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mangaldan, Pangasinan mula Pre-School hanggang Senior High School ngayong araw ng Huwebes.

Ito ay bilang pag-iingat sa patuloy na malalakas at kalat-kalat na pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalalakas ng Tropical Depression Mirasol.
‎
Ayon sa direktiba ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, ang suspensyon ng klase ay nakabase sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos ilabas ng DOST-PAGASA ang Tropical Cyclone Bulletin.
‎
Pinayuhan ang mga magulang at mag-aaral na maging alerto at sumubaybay sa mga anunsyo mula sa kani-kanilang paaralan, kung saan tatalakayin ang mga alternatibong pamamaraan ng pag-aaral upang hindi matigil ang edukasyon sa mga ganitong kalagayan.
‎
Samantala, bilang pag iingat, paalala ng awtoridad na makinig sa mga abiso at manatiling maging handa sakali mang lumakas ang nararanasang pag ulan sa lugar.