BOMBO DAGUPAN – Pabor ang Kilusang Mayo Uno na maging bukas ang Pilipinas sa mga foreign investor.

Ayon kay Jerome Adonis, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, kailangan ng bansa sa panahon natin ang foreign investment.

Ngunit, tiyakin ng Marcos administrasyon na fully protected ang fundamental rights ng mga manggagawang PIlipino gaya ng sahod na nakamumuhay, dapat gawing regular ang mga manggagawa at karapatan sa pag u unyon.

--Ads--

Dagdag pa niya na habang pumaoasok ang mga foreign investor ay planuhin ang pagkakakaroon ng sariling ekonomiya na may kakayahang tugunan ang mababang sahod at karapatan na nilalabag.

Gayundin ay lumikha aniya ng sailing industriya sa hinaharap para hindi tuluyang malugmok ang ekonomiya ng bansa.

Matatandaan na base sa paniwala ng ibang analyst kaya gumanda raw ang lagay ng Singapore ay dahil sa pagiging bukas umano sila sa foreign investmentL