Dagupan City – Naninindigan ang Kilusang Mayo Uno na hindi ito titigil sa pagsulong ng taas sahod sa mga manggagawa sa bansa hangga’t hindi ito nakakamit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Elmer Labog, Chairman ng Kilusang Mayo Uno sinabi nito na nararapat lamang aniyang itaas ang sahod ng mga manggawa sa bansa lalo na’t patuloy ring tumataas ang mga bilihin dulot ng inflation.

Kung titignan kasi aniya ay hindi nakapang-bubuhay ng pamilya ang sahod ng mga ordinaryong manggagawa sa bansa at malayo ito sa P1,200 na pinag-aralang living wage.

--Ads--

Binigyang diin naman nito na dapat ay pare-pareho ang gawing pagtaas ng sahod sa bansa, dahil hindi ito naniniwalang mas mahal ang cost of living sa Metro Manila kung ikukumpara sa probinsya gayo’ng pare-pareho namang apektado ang mga mamamayan sa nagpapatuloy na inflation.

Kaugnay nito, nanatili naman sila sa P150 wage increase sa bansa mas mataas sa isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada na P100.
Samantala pagbabahagi ni Labog, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagaqang diskurso sa lower house patungkol sa nasabing usapin.