Handa na ang mga manggagawa at ordinaryong mamamayan para sa isang malawakang kilos-protesta kasabay ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 29.
Ayon kay Jerome Adonis Chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa tatlong taon ng panunungkulan ni Marcos, wala umanong makabuluhang pagbabago sa kalagayan ng karaniwang Pilipino.
Aniya lalong lumala ang kahirapan, lumobo ang utang ng bansa, tumaas ang presyo ng mga bilihin, at mismong ang Pangulo pa ang humarang sa panukalang ₱200 wage hike para sa mga manggagawa.
Inaasahan naman nila na ipagmamalaki umano ng Pangulo ang kanyang naging pagbisita sa Estados Unidos, lalo na ang bagong military agreement sa U.S. at mga diumano’y bilyong pisong foreign investment na “hindi ramdam ng karaniwang mamamayan.”
Sa kabila nito hindi naman magiging hadlang aniya upang ituloy ang tinatawag nilang “People’s SONA” kahit pa inaasahan parin ang masamang panahon sa lunes.
Patuloy naman nilang isusulong ang mga panawagan para sa nakabubuhay na sahod, regular na trabaho, at mga makataong patakaran para sa mga manggagawa.