BOMBO RADYO DAGUPAN – “Tigilan na ang Charter-Change at pondohan na ang health emergency allowance”
Isa lamang ito sa mga naging panawagan nina Jao Clumia, Spokersperson ng Private Health Workers Network, sa kanilang matagumpay na kilos protesta na kanilang tinawag na “Black Heart’s Day” ngayon araw ng mga puso.
Giit nila, wala naman mapapala ang sambayanan sa pagbabago ng konstitusyon kundi ang mga naghaharing uri lamang sapagkat bubuwagin lamang aniya ng mga foreign investors ang mga manggagawang tulad nila Clumia na may sinasamahang union upang malaganap lamang ang kontraktwalisasyon.
Hiling nila na tuparin na muna sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang ipinangako noong nakaraang nobyembre, nakaraang taon, na ipapantay ang mga sagod ng private health workers sa mga pampubliko.
Maliban dyan, panawagan din nilang pondohan ang tinatayang P60 Billion na kilakailangan para sa health emergency allowance ng mga health workers sa bansa.
Saad niya na marami pa ang hindi nakakatanggap nito kaya kasingungalingan lamang ang itinala ng Department of Health na umaabot na umano sa 92% ang mga nakakatanggap nito.
Samantala, patuloy pa rin sila nagaantay ng tugon ng Department of Health sa kanilang mga panawagan, subalit, kumpara sa nakaraang taon, tahimik aniya ang pagtugon ng ahensya.
Aniya, sa ilang buwan niya din na pagmemensahe kay Asec. Gloria Balboa ay tila’y hindi nito binibigyan pansin ang mga ipinapadalang mensahe.
Dagdag pa niya, nagkakaroon naman talaga nag magandang mga resulta ang kanilang mga nakalipas na kilos-protesta ngunit parati lamang aniya nakakalimutan ang kanilang mga panawagan kaya pabalik-balik din sila sa kalsada upang muling ipagsigawan ang kanilang karapatan.