Magsisimula na bukas ang opening ceremony ng ika-65 edisyon ng Palarong Pambansa na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte na may temang “Nagkakaisang Kapuluan.”
Tinatayang nasa 15,000 na delegado, kabilang ang mga student-athlete, coach, at opisyal mula sa 20 athletic associations — na binubuo ng 18 rehiyon, National Academy of Sports, at Philippine Schools Overseas — ang lalahok sa 34 na larangan ng isports.
Kilala naman ang palaro bilang pangunahing paligsahan sa isports para sa elementary at highschool level sa bansa.
Magkakaroon din ng engrandeng parada bukas sa opisyal na pagbubukas ng palaro.
Kung saan magsisimula ang pagtitipon bandang alas-3 ng hapon, at ang parada naman ay magsisimula bandang alas-5 ng hapon.
Samantala, ang mga palaro naman ay gaganapin mula Mayo 25 hanggang 30 at magtatapos sa Mayo 31.