DAGUPAN, CITY— Isinagawa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP-Pangasinan) ang isang tree planting activity sa barangay Inmalog Sur, San Fabian ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jay Mendoza, Chairman ng KBP-Pangasinan, kanyang inihayag na bagaman maraming mga aktibidad ang apektado sa panahon ng COVID-10 pandemic, ay kanilang inischedule ang ilang mga aktibidad kabilang na ang mga tree planting activity.
Hindi katulad ng mga nagdaang taon, ay nalimitahan lamang ang bilang ng mga lumahok sa naturang gawain upang matiyak na nasusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.
Nasa kabuuang 60 punla ng Narra ang naitanim sa naturang aktibidad upang mas madali umano itong mamonitor at mapangalagaan ng mga nangangasiwa sa nabanggit na lugar.
Naisakatuparan ang naturang aktibidad ang mga bagong talagang mga KBP-Pangasinan Officer sa taong 2021, LGU San Fabian, at San Fabian PNP.
Ang naturang aktibidad ay isinasagawa taun-taon ng naturang organisasyon para sa pangangalaga ng kapaligiran na isa sa mga iba pa nilang programa.