Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang clean up drive sa baywalk ng brgy. San Isidro Norte, sa bayan ng Binmaley.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng brgy. Council at sa pakikipagtulungan ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP- Pangasinan Chapter.
Ayon kay Brgy. Kapitan Remegio “Og” De Vera, naalarma ito sa nakitang dumi sa kanilang nasasakupan, kung kaya’t agad itong nagsawa ng emergency meeting upang mapag-usapan ang mga gagawing paghahanda sa pagsasagawa ng clean-up drive.
Dito na umano naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng KBP-Pangasinan Chapter, hanay ng kapulisan at ng ilang mga grupo gaya na lamang ng; mga mag-aaral, ilang mga organisasyon sa bayan, at mga residente ng brgy. San isidro norte.
Matapos nito, ipinaabot ni De Vera ang kaniyang pasasalamat sa kabuo-ang higit 150 mga nakilahok at tumulong sa agarang aksyon at serbisyo.
Para naman sa presidente ng KBP-Pangasinan Chapter na si Mark Espinosa, isa ito sa nakikita niyang pagkakataon para ipakita na ang mga mamamahayag ay hindi lamang nagseserbisyo sa pamamagitan ng pagbabalita, kundi- gayundin sa public service.
Isa sa adbokasiya ng KBP ay ang pagtutok sa kalusugan, kalikasan at iba pa, kaya naman agad siyang tumugon sa pakikipag-ugnayan ng brgy. Council.
Samantala, nakatakda ring tumulong ang samahan sa tree planting activity sa uilalim ng programa ng Department of Environment and Natural Resources.