DAGUPAN CITY- Malaki ang epekto sa pamumuhay ng mga stuper ang tila kawalan ng tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga naitirang nananwagan n kanilang prangkisa ayon sa grupong PISTON.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mody Floranda mula sa grupong PISTON, tila nagiging mabagal ang pagtugon sa panawagang prangkisa at ilan pang mga hinaing ukol sa usaping pang-transportasyon.
Aniya, dumaranas ang mga tsuper ng ilang mga suliranin tuad ng kawalan ng kita na nagdudulot naman ng kakulangan sa pagtugon ngpangangailangan para sa kanilang mga pamilya.
Makatarungan umano ang kanilang panawagan dahil isa itong mahalagang bagay na kailangang pag-usapan lalo na sa ating panahon.
Idiniin rin niya na isa ang mga jeepney sa mga nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan, lalo na at kailangan talaga ang transportsyon sa pang aeaw-araw na pamumuhay.
Samantala, tinitingnan din ng grupo ang panawagang dagdag pamasahe dahil tumataas na rin ang ilang mga bilihin sa merkado na lalong lalong nagiging pasakit at intindihin.