Kakulangan sa livelihood program o trabaho para sa mga nakapagtapos ng community base rehabilitation program ang isa sa nakikitang dahilan ng PDEA Pangasinan kung bakit may roon paring dating sumailalim sa rehablitasyon ang nahuhuling bumabalik sa pagbebenta ng ilegal na droga,
Ayon kay agent Dexter Asayco provincial officer ng PDEA Pangasinan, base sa kanilang monitoring, lumalabas na 50 percent sakanilang nahuli kamakailan ay galing sa community base rehabilitation program habang kalahati s amga ito ay mga bagong tukoy na drug personality.
Gayunman kung tutuusin ay hindi malala ang problema sa lalawigan sa isyu ng droga.
Samantala, umabot na sa 30 bayan at isang ciudad sa probinsya ang nauna nang naideklarang malinis sa illegal na droga.