DAGUPAN CITY- Nakaka-alarma ang hindi pagkakaroon ng School Principal sa ilang mga paaralan sa ating bansa dahil sa maaaring maidulot nito sa management ng mga paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Karol Mark Yee, Executive Director ng Second Congressional Commission of Education (ENCOM 2), maraming mga eskwelahan sa bansa ay walang School Pricipal, kaya’t nagkaroon ng ilang mga hindi magandang resulta ukol sa nasabing isyu.

Aniya, malaki ang ginagampanyan ng isang pricipal sa paaralan upang maayos na mapamahalaan ang isang eskwelahan.

--Ads--

Hindi rin aniyang nasusunod ang mga polisiyang ipinapatupad ng Department of Education ukol sa mga regulasyon sa pagkakaroon ng nasabing opisyal ng paaralan sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay gumagawa rin ang hakbang ang opisina upang makatulong sa nasabing usapin.

Dagdag niya, mahala ang pagpili ng mga kandidatong ihahalal upang maging maayos ang sistema at pamamalakad ng edukasyon sa ating bansa.