Dagupan City – ‘Nakababahala, nakakalungkot at nakapag-tataka.’


Ganito isinalarawan ni Ariel Casilao, Chairperson ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura ang prangkahan sinabi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na hindi nila mabibigyan ng ayuda ang mga magsasakang nalugi dahil sa oversupply, at tinamaan ng peste at andap.


Aniya, ano ang pinag-basehan ni Laurel kung bakit niya iyon sinabi, dahil mayroon naman talagang alokasyon ang departamento ng agrikultura kada taon para sa tugon ng emergency assistance fund. Saad nito, isa sa nakikita niyang dahilan kung bakit nasabi iyon ni Laurel ay dahil sa hindi pa nito nafamiliarize ang budgeting sa naturang departamento.

--Ads--


Ibinahagi pa ni Casilao na noong taong 2016 hanggang 2019 habang siya pa ang nasa kongresista ay mayroon namang direktang pondo na inilaan na makatutulong sa mga magsasaka, kahit pa ang dahilan ay pagsalanta ng peste dahil maikokonsidera naman itong national calamity.


Binigyang diin naman nito na isa sa mga dapat tutukan ng pamahalaan partikular na ng nasabing sektor ay ang fund inputs, fund perapartion, at fund implements na siyang nagpapahina sa logistic system sa bansa, kinakailangan din aniya ang paglalagay ng short-term at long-term na talagang makakatulong sa mga lokal na magsasaka.

Samantala sa usapin naman ng pagsusulong ng senado sa Charter Change, sinabi ni Casilao na delikado ito dahil aasahan na 100% ibubukas na sa dayuhan o foreign ownership ang lupain ng bansa.