DAGUPAN CITY — Binigyang-diin ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) ang kahalagahan ng pagtalakay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagtutok at paglikha ng mekanismo upang matugunan ang pagpaparami ng mga trabaho at mabawasan ang unemployment at underemployment rates sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josua Mata, Secretary General ng nasabing organisasyon, inihayag nito na ang pagtalakay sa naturang usapin ay isang mahalagang paksa sapagkat ito ay direktang nakakaapekto sa buhay ng mga manggagawa at kanilang pamilya.

--Ads--

Aniya na kung hindi uunlad ang kapasidad ng ekonomiya ng bansa na lumikha ng maayos, disente, at secure na trabaho para sa mga Filipino ay hindi maiaahon sa kahirapan ang marami sa mamamayan.

Subalit ang nakakalungkot ay sa kabila naman ng mga claim ng gobyerno ay kitang-kita naman na walang anumang pagunlad sa sitwasyon ng mga manggagawa hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag pa nito na dahil sa namamayaning problema sa sektor ng mga manggagawa ay nagkakaroon ng domino effect kung saan marami na ang hindi nakakaahon sa kahirapan.

Kaya bagamat totoong lumago ang ekonomiya ng bansa sa 5.9%, kung ikukumpara naman ito sa sarili nitong kapasidad na lumikha ng trabaho sa kapasidad ng bansa na lumikha ng mga trabaho bago ang pandemya ay kitang-kita na napakalayo na ng agwat ng mga bilang na ito.

Saad nito na datapwat may nalilikhang mga trabaho at bumababa ang unemployment, ay ang pinakaconcern naman ng mga Filipino ngayon ay ang kawalan ng pagunlad sa mga trabahong nage-generate ng ekonomiya ng bansa na isa namang malaking problema na lalong nagtutulak sa mga Filipino na mangibang-bansa.