BOMBO DAGUPAN – Isang walang katuturang Political gimik.

Ito ang pahayag ni Atty.Michael Henry Yusingco, isang political analyst sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama sa flag ceremony ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge.

Kaduda duda aniya ang memorandum circular no. 52 dahil napakaliit lang ng coverage kaya nasabi niyang isa lamang gimik dahil lumilikha lang ng malaking ingay.

--Ads--

Naniniwala si Yusingco na wala itong naidudulot na mabuti sa ating lipunan at hindi nakakatulong para magkabuklod buklod ang bansa.

Sa halip ay nilalayo nito ang atensyon sa mga dapat na ginagawa at lalong nag iimbita ng bangayan sa social media at pakikitungo sa isat isa.

Binigyang diin pa niya na maaaring malabag ang academic freedom dahil hindi puwedeng ipilit ng isang memorandum circular lang ang pagkanta at pag bigkas ng bagong hymn sa isang educational institution dahil kailangan ng isang batas.

Maaaring makadagdag din sa kalituhan at gawain ng mga estudyante.

Dagdag pa niya na nakakasira lamang ito sa imahe ni pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. dahil nanunumbalik ang dating istilo ng martial law o nagpaapaala sa propaganda ng diktadoryang Marcos.