Bombo Radyo Dagupan- Napabilang ang kauna-unahang transwoman Class Valedictorian noong taong 2018 sa Polytechnic University of the Philippines Manila sa inilabas na 36.77% na BAR Passer sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Ianne Gamboa, 2023 BAR Passer, sinabi nito na noong nakita niya na 36.77% lamang ang passing rate na inilabas na result ay kinabahan ito, ngunit nang tignan na niya ang resulta, ay laking pasasalamat niya dahil sa napabilang ang kaniyang pangalan sa mga nakapasa.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Atty. Gamboa na damang-dama niya ang suporta at pagka-proud ng kaniyang pamilya, dahil siya ang kauna-unahang attorney sa kanila. Pamilya rin nito ang kaniyang naging inspirasyon sa naturang tagumpay, dahil sa buo ang kanilang ipinakitang suporta sa kaniya, dahil aniya bata pa lamang ito ay nakikita na ng kaniyang pamilya ang kaniyang kasipagan sa pag-aaral.

--Ads--

Dagdag pa ni Atty. Gamboa, ang kaniyang tagumpay ay isang daan din upang ipakita sa publiko, na ang mga kagaya nitong transwoman ay dapat na irespeto.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang mga naging karanasan habang siya ay nasa law school, aniya puspusan talaga ang kaniyang isinagawang pag-rereview nang sa gayon ay makamit nito ang naturang lisensya.

Wala naman aniya itong naranasang diskriminasyon sa kaniyang pag-aaral sa law school, at pawang ang pag-aaddress lamang sa kaniya bilang isang lalake o babae.

Sa kasalukuyan, plano nitong ipagpatuloy ang nasimulang pagtratrabaho sa gobyerno, partikular na sa office of the Supreme Court.