Dagupan City – Bilang paghahanda sa kauna-unahang taraon festival na iseselebra sa bayan ng infanta ay masusing pinagpapalanuhan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng bayan katuwang ang iba’t ibang departamento at mga ahensya.

Layon ng kapyestahan na maipakita ang mga local na kultura na maaring maipagmalaki ng bayan. Magtatagal din ng isang buwan ang aktibidad.

Kabilang sa mga dapat kaabangan ng mga residente ay Trade Fair, Farmers and Fisherfolks Day, Cookfest, Barangay Night, Balikbayan at Senior Citizen Night, Street Dancing Competition, Cultural Night, LGU Night, Mutya ng Infanta, Kabataan at Musikahan, at Raffle Bonanza.

--Ads--

Ang pagdiriwang na ito ay magtatampok sa mayamang agrikultura at masasarap na pagkain ng Infanta. (Aira Chicano)