Isa ka rin ba sa humahanga sa pakikipagkarera? Lalo na kung ito ay professional racing? Pano naman kung Sperm Racing ito?

Isang kakaibang karera ang inorganisa sa Los Angeles upang itaas ang awareness sa pagbaba ng male fertility. Gusto mo bang makilahok sa naturang karera?

Nakalikom ang mga bumubuo nito ng $1-million upang masuportahan ang naturang kakaibang paligsahan kung saan gaganapin ito sa April 25 sa Hollywood Palladium sa harap ng libo-libong spectators.

--Ads--

Ayon sa race manifesto ni Sperm Racing Boss Eric Zhu, 2 ang lalahok na maglalabas ng kanilang sperm samples na mag-uunahan naman sa isang microscopic finish line.

Kaugnay nito, makikita sa mini-marathon ang dalawang spermatozoa na mag uunahan sa kahabaan ng 20cm racetrack na inihalintulad sa reproductive system ng mga babae.

Ang mauna sa finish line ang magwawagi. Para tiyak ang madedeklarang mananalo, gagamit sila ng advanced imaging para sa beripikasyon.