Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman

DAGUPAN CITY – Maari nang ma-discharge ang kauna unahang recovered covid-19 patient sa lalawigan ng Pangasinan .

Ayon kay Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman, ang 54 anyos na babaing pasyente sa Pangasinan Provincial Hospital ay isang nurse na kauna unahang recovered covid19 patient mula Nalsian, Malasiqui

Ang naturang pasyente ay nagpositibo sa Covid-19 noong March 16 kung saan nakuha niya ang sakit sa pamamagitan ng local transmission.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay lubusan na itong gumaling sa COVID19 at nagnegatibo na sa naturang sakit.

Wala na din itong sintomas ng virus katulad ng ubo at sipon .

Sa paglabas naman ng pasyente sa isolation room ng naturang pagamutan ay patuloy pa rin itong gagamit ng mask at bibigyan ito ng isang linggo para magrecover sa bahay

Hiling naman ni Dra. De Guzman na sana ay hindi ito pandirihan o layuan ng mga tao. Nais na rin umanong makasama ng pasyente ang kaniyang pamilya.

Samantala nagpapasalamat naman si Dra De Guzman sa mga health workers na tumutulong para sa bayan at nanawagan sa mga LGUs maging sa mga municipal at city health officers na isaayos ang mga isolation areas sa kanilang nasasakupan na maaring pagdalhan sa mga mild na PUI at quarantine area para sa mga PUM na OFW’s.