DAGUPAN CITY- Matagumpay na isinagawa ng Pangasinan State University (PSU) ang kauna-unahang Prime Camp 2025.
Nilahukan ito ng 28 delegado mula sa limang bansa sa Southeast Asia gaya ng Vietnam, Thailand, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.
Ayon kay Dr. Ian Evangelista, Vice President for Local and International Affairs, layunin ng nasabing aktibidad na ipakilala ang mayamang kultura at turismo ng Region 1.
Sa unang araw, sinalubong ang mga delegado at nag-tour sa Banaan Museum, sumunod ang Leadership Seminar sa ikalawang araw.
Sa huling araw, nagtanim ng puno at nakilala ang kultura ng katutubo sa Mapita, Aguilar.
Sa tulong ng PASUC at mga LGU sa Region 1, matagumpay na naisagawa ang Prime Camp 2025.
Sa closing ceremony, sinabi ni PSU President Dr. Elbert Galas na bukas ang pamantasan na gawing taunang programa ang camp.
Layunin nitong palawakin ang edukasyon sa pamamagitan ng intercultural exchange at collaboration.
Ikinatuwa ng pamantasan ang kinalabasan ng camp, ngunit may mga bahagi rin na kailangang pagbutihin sa susunod.