Dagupan City – Making tanka na baluktutin ang nakaraan.
Ito ang naging saloobin ni Karl Patrick Suyat, Project Gunita and August 21 Movement (ATOM).
Aniya, hindi lamang ang kawalan ng pasok sa paaralan o opisina ang layunin ng pagdeklara ng holiday bagkos ay ang dahilan kung bakit iyon isineselebra, kung kaya’t mahalaga sana na panatilihing holiday ang EDSA People Power Revolution sa layuning malaman at mabaliktanaw ang mga nangyari sa nakaraan.
Ayon kay Suyat, maituturing na kasaysayan rin ang taong ito dahil ito ang kauna-unahang taon na igugunita ang EDSA People Power Revolution na hindi na holiday.
Diin pa nito, lumalabas kasi ngayon na kahit pa sa curriculum ng Department of Education ay pinapalitan na rin ang “Diktadurang Marcos” kung saan ay ginawa na lamang itong “Diktadura”.
Sinabi ni Suyat na ito ay malinaw na pagrebisa ng kasaysayan at hindi pagbibigay ng tamang Official commemoration sa nakaraan.