BOMBO DAGUPAN – Pormal nang nagsimula ang klase ng kauna-unahang batch ng mga iskolar ng Pangasinan Polytechnic College o PPC kung saan ito ay binubuo ng 700 na mga incoming freshmen students sa lalawigan.
Karamihan sa mga iskolar ay nagmula sa district 2 subalit mayroon ding nagmula sa iba’t ibang distrito sa probinsiya.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, na naging matagumpay ang pagbubukas ng klase at sa pangkalahatan ay naging maayos ang pagtanggap ng mga estudyante.
Aniya na patuloy nilang mina maximize ang mga assets ng lalawigan upang mas marami pa ang matulungang estudyante hindi lamang sa lalawigan dahil ang PPC aniya ay hindi restrictive bagkus ay bukas ito para sa lahat.
Bukod pa dito ay pinag-aaralan na din nila ang posibilidad ng pagtatayo ng school of medicine sa lalawigan na mag-aalok ng mga kursong nursing, medtech at iba pang medical courses.
Kaugnay nito ay aayusin muna nila ang preparasyon gayundin ang pagtatakda ng mabuting pundasyon ukol dito na isa sa kanilang mga plano.
Samantala, umaasa naman ito na kapag nakapagtapos ang mga iskolars ng lalawigan ay sila ang magsisilbing susunod na kontribyutor ng lipunan hindi lamang upang mapaganda ang kanilang buhay ngunit maging ang buhay ng iba.
Ang PPC ay isa sa mga malalaking proyekto ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III.