Dumipensa si San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Resuello laban sa mga bumabatikos sa kanya kaugnay ng pag-uugnay sa kanyang pangalan sa JRL Kwarta Trading Company.
Ayon kay Mayor Resuello, walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na may utang umano siya sa may-ari ng kompanya na si Joshua Rosario Layacan.
Mariin din niyang pinabulaanan ang paratang na siya ang nag-udyok o nanghikayat sa mga investor na mag-invest sa nasabing kumpanya.
May mga kumakalat umanong alegasyon na kaibigan niya si Layacan at humiram siya ng pera na ginamit sa nakaraang eleksyon, ngunit iginiit ng alkalde na wala itong basehan.
Dagdag pa niya, hindi umano siya dumalo sa pagbubukas ng negosyo ng
arta Trading Company, gayundin sa mga paanyaya sa kanya na makisalo sa kaarawan at Christmas party ng may-ari ng kumpanya.
Ayon kay Resuello, kung sakaling nakita man siya sa isang event kung saan naroon din si Layacan at nagsalita siya, nagkataon lamang umano iyon at wala siyang direktang ugnayan sa suspek.
Naniniwala ang alkalde na may bahid ng pulitika ang pag-uugnay ng kanyang pangalan sa JRL at layon lamang nitong lituhin ang publiko.










