DAGUPAN CITY–Nananatiling red tide toxin free ang katubigang sakop ng lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang laman ng mensaheng ipinadala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 sa Bombo Radyo Dagupan.

Subalit, sa kabila nito, ipinayo ng ahensya na dapat maging mapanuri at mapagmatyag parin ang mga Local Government Units (LGUs) at kanilang mga market inspectors na laging humiling ng ‘auxiliary invoice’ upang malaman kung saan nagmumula ang mga ipinapasok na fishery products kabilang na ang mga shellfish upang masiguro na ligtas ang mga ito laban sa red tide.

--Ads--

Lalo at nananatili paring positibo sa red tide toxin ang Puerto Princesa Bay sa Palawan, coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bay sa Western Samar at Cancabato Bay sa Tacloban, Leyte.