BOMBO DAGUPAN – Hindi kabilang ang katol para sa rekomendasyon na gamitin para maiwasan ang dengue.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV DOH Region I sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, ang 4S ang pinaka epektibong pamamaraan para malabanan ang dengue.

Sa pamamagitan ng paghahanap at pagsira sa mga lugar na puwedeng pangitlogan ng lamok ay tiyak na mapupuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

--Ads--

Binigyang diin ni Bobis na self protection measure lamang ang kailangan na gawin at hindi na kailangan na gumastos o magsindi ng kemikal.

Magsuot ng mga nahahabang manggas o pantalon o magpahid ng lotion na insect repellant sa katawan para makaiwas sa kagat ng lamok.

Siguruhin na hindi umano allergic sa balat ang ipapahid sa katawan
Samantala, wala pang ibidensya na ang paglalagay ng suka o bawang ay nakakapigil sa dami ng lamok sa mga kabahayan.

Maaring itaboy ang mga lamok pero hindi sila napapatay kaya pinaka epektibong pamamaraan ay ang paghahanap, pagsira at paglilinis sa mga lugar na maaaring pangitlogan ng mga lamok.