Nakakaranas ngayon ng malawakang pagbaha dala ng pinakamalakas na bagyo ang katimugang bahagi ng California.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, bombo International News Correspondent sa USA, ang pinakamalakas na bagyo ay nagdala ng ilang pulgadang ulan sa ilang lugar, na na nagbabanta ng mapanganib na pagbaha at pagguho ng lupa sa buong rehiyon.
Aniya, ang libu-libu libong acres na nasunog noon ay nabuhusan ngayon ng maraming tubig kaya nagkakaroon ng pagbaha at musdlide lalo na sa bahagi ng Los Angeles at sa Orange County.
Naitala rin ang mga pagguho ng lupa at biglaang pagbaha sa Eaton fire burn area sa Altadena at sa Mulholland at Outpost drives sa Hollywood Hills.
Nag isyu ang mga forecasters ng severe thunderstorm warnings kung saan ay pinag iingat ang mga residente dahil sa posibleng malawakang pagbaha.
Sa ulat ng National Weather Service, umabot na ng tatlong pulgada ang ulan sa coastal areas ng Southern California, nasa anim na pulgada naman ang ulan sa mga kabundukan.