Pina-ingay ng actress ni Kathryn Bernardo ang publiko nang sagutin nito ang tanong sa isang talk show kung handa na ba muling umibig na “Yes!”
Bukod pa diyan, sa kahandaan niyang muling umibig, nausisa rin kay Kathryn ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng dating nobyo na si Daniel Padilla.
Matatandaan na noong nobyembre 30, 2023, sa pamamagitan ng magkahiwalay na statement, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na nagwakas na ang 11 years nilang relasyon.
Ayon sa actress, marami siyang natutunan at nadiskubre sa kanyang sarili dahil sa breakup nila ni Daniel.
Sa kabilang banda, wala raw umanong pinagsisisihan si Kathryn na nakasama niya si Daniel ng labing-isang taon.
Matatandaan naman na naidiin kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil nagkaroon raw umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes na naging mitsa para kay Kathryn na makipaghiwalay.
Dagdag pa ang pagkakadikit ng pangalan ni Daniel sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.