DAGUPAN CITY- Lalong nagpapahamak lamang sa law maritime enforcers ng Pilipinas ang dating kasunduan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping na pagtanggal sa BRP Sierra Madre sa karagatan kapag ito ay nasira na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, kailangan nang imbestigahan at panagutin ang mga traydong na Pilipinong sumosoporta pa sa ilegal na pananatili ng China sa Exclusive Economic Zone Area ng bansa.
Aniya, labis nang naaapektuhan ang kalayaan at kinikita sa hanapbuhay ng mga mangingisdang Pilipino dahil sa pananatili ng mga China Coast Guard sa West Philipine Sea.
Kinukulang man ng seguridad mula sa kasalukuyang administrasyon, malinaw pa rin na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea ng Pilipinas at maging sa konstitusyon ng bansa ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas.
Patunay naman na lalong dumarami ang panghaharas ng China dahil sa pagdami ng isinusulong na diplomatic protest na siyang ikinabahala naman ni Hicap.
Iginiit naman niya na malaking kalokohan lamang ang pag angkin ng China na kabilang umano sa territorial water nila ang pinag aagawang karagatan.
Samantala, naniniwala si Hicap na higit na kinakailangan ng bansa ang formation dessimination sa pinag aaagawang karagatan upang matigil na ang pambibiktima sa bansa dulot sa nasabing kasunduan ni dating Pangulong Duterte sa presidente ng China.
Mariin niyang ipinapanawagan na magkaroon ng Independent Foreign Policy sa bansa upang maging nakasentro na sa Pilipino ang batas pang dayuhan.