Hindi basta-basta maaaring i-withdraw ang kasong “Violence Against Women and Children” (VAWC), kahit pa ang nag-sampa ng kaso ay ayaw na itong ituloy.
Yan ang binanggit ni Atty. Joey Tamayo, Co-anchor Duralex Sedlex, hinggil sa nasabing usapin.
Aniya dahil sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, tila nagkaroon ng pagkakataon ang mag-asawa na magkausap at magkaintindihan.
Gayunpaman, ayon kay Atty. Tamayo, dahil mayroong legal na proseso na sinimulan, hindi basta-basta maaaring bawiin ang kaso.
Idinagdag pa ng abogado na ang susunod na hakbang ay ang arraignment, kung saan tatanungin ang akusado kung guilty o hindi sa paratang.
Kung ang biktima ay magdesisyon na hindi magpatuloy sa kanyang testimonya, may pagkakataon pa ring ituloy ang kaso batay sa mga ebidensiya na maaaring magpatuloy sa hukuman.
Dagdag pa ni Atty. Tamayo, ang proseso ay kailangang dumaan sa tamang hakbang upang matiyak ang katarungan at hindi na maulit ang insidente. “
Sa kabila ng mga isyu, binigyang-diin niya na mahalaga ang respeto at suporta ng bawat mag-asawa sa isa’t isa, lalo na sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
Gayundin, binanggit niyang isang magandang pagkakataon ang Valentine’s Day upang magkausap, pero hindi ito nangangahulugan na ang mga legal na proseso ay maaaring basta-basta balewalain.










