Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na malapit na umano nilang isampa ang kasong ‘plunder’ laban kay former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.

Ngunit aminadong may mga bagay pang dapat ayusin at tapusin bago pormal maisakatuparan ang planong pagsasampa ng kaso.

Matapos kasing isailalim ito sa ‘fact finding’ ay papasok na ang naturang kaso sa ‘preliminary investigation’ ng Ombudsman alinsunod sa prosesong nakasaad sa batas.

--Ads--

Layon aniya dito na maseguro at matiyak maging ang karapatan ng mga indibidwal na mapaparatangan akusado sa kasong iniimbestigahan.

Kaugnay pa rin ang naturang kaso sa pagkakasangkot ni former House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Itinuturo kasi siya bilang ‘mastermind’ ng korapsyon sa flood control kung kaya’t kabilang sa mga posible at inaasahang masampahan ng kaso.

Subalit sa kabila ng mga pahayag ni Ombudsman Remulla, hindi na ito nagbahagi pa ng tiyak na petsa kung kailan pormal maihahain ang kasong plunder laban kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.