BOMBO DAGUPAN – Muling nabuksan ang plunder case ni dating Chief Presidential Legal Counsel Sen. Juan Ponce Enrile matapos ang isang dekada.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco- Political Analyst na nakalaya si Enrile noon dahil nakapagpost siya ng bail kung saan ang kasong kanyang kinaharap ay hindi dapat bailable.
Subalit dahil sa kanyang edad at kalusugan ay napayagan siya ng hurado na makapagpiyensa.
Aniya na dumaan ang kaso sa samot saring mosyon hanggang sa sinabi ng korte suprema na ituloy na at ilatag ang mga ebidensiya upang patunayan na nagkasala ito.
Bagamat ang korte suprema ay tambak sa napakaraming mga kaso kaya’t dumadaan ang mga ito sa lehitimong proseso.
Kaugnay nito aniya ay hindi parin mawawala na mayroon talagang personalidad sa legal system na inaabuso ang nasabing proseso.
Isa na lamang halimbawa diyan si Enrile kung saan dahil siya ay may pangalan at prestihiyo, kaya hindi na itinuloy ng tagausig.
Patunay lamang na kung may kaya ang isang tao ay kayang kaya nitong makahanap ng butas sa mga kaso at makalusot.
Samantala, ang mga mahihirap na akusado ay hindi nakakagawa ng ganoong taktika.