Tuluyan ng nadismissed ang kaso ng 83 anyos na si Lolo Narding Flores na inakusahang nagnakaw ng ilang kilo ng mangga sa kaniyang kapitbahay sa bayan ng Asingan.

Sa pahayag ni Atty. James Fernanadez, Public Attorney II ng PAO-Urdaneta City Pangasinan District Office, naging maayos naman ang proseso na nagsimula sa pag-uusap kung saan humingi ng tawad si Lolo Narding sa kaniyang kapitbahay na nagsampa sakaniya ng kaso at agad naman siyang pinatawad nito dahil ayon sa complainant ay ang paghingi lang naman ng kapatawaran ang kaniyang hinihintay at naging maayos naman ang kanilang pag uusap.

Matapos nito ay nagkaroon na ng arraignment at nag plea ng “NOT GUILTY” si Lolo Narding pumirma ng Affidavit of Desistance ang complainant na nagsasaad doon na inuurong na niya ang kaso.

--Ads--

Matapos mabasura ang kaso laban kay Lolo Narding ay lubos umano ang naging kasiyahan nito at maluha luha pa dahil hindi niya lubos maisip na humantong pa ang sitwasyon sa korte ngunit nagagalak parin naman siya na nai-urong na ang kaso laban sakaniya.

Saad naman ni Atty. Fernandez, masaya din siya na natapos na din ang kaso ni Lolo Narding lalo na at siya din ang nagsilbing abogado nito simula noong makapag piyansa hanggang sa madismissed ang kanyang kaso.

Atty. James Fernanadez, Public Attorney II PAO-Urdaneta City Pangasinan District Office

Dagdag pa ni Fernandez, maraming na din siyang nahawakan na mga ganitong kaso ngunit ang pinagkaiba ay nag viral yung kay Lolo Narding pero kahit hindi naman umano ito nag viral ay tutulungan parin naman si lolo dahil yun naman ang mandato ng Public Attorney’s Office na tulungan ang mga akusado na walang kakayahan na kumuha ng kanilang private lawyer sa mga kasong isinampa sakanila.

Panghuli, nanawagan naman si Fernandez sa publiko na kung may mga kahalintulad na alitan o hindi pagkakaintindihan ay pag-usapan muna sa barangay level kung kaya pang maayos upang hindi na umabot sa piska o korte.