investment scam

BOMBO DAGUPAN -Malaking ang posibilidad na umakyat na sa korte ang kasong isinampa ng higit 200 mga katao na nabiktima ng investment scam sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay Atty. Francis Abril, isang volunteer lawyer sa lalawigan ng Pangasinan, sa kanilang nakalap na impormasyon ay may probable case ang natanggap na dokumento ng City Prosecutor ng San Carlos sa i-prenensentang ebidensya ng mga biktima.

Aniya, nangangahulugan na sapat at may actual basis ito kaya naman maaring mai-akyat ito sa korte.

--Ads--

Napag-alaman kasi na sa nasabing mga dokumento ay nakitaan ng paglabag ang investment company sa ginawa nilang mga kasunduan sa mga biktima ng kanilang pangako ng pagbibigay ng solicitation of investment at hindi pagtupad sa sinabing return of investment.

Tinatayang nasa 900 milyon ang nakulimbat ng mga nasa likod ng nabanggit na scam.

May ilang mga ulat din umano na nahuli na ang mga suspek at posibleng kaharapin na lamang kung maitaas sa korte ang kaso.